Bakit Nga Ba?
Here are some questions that UST College of Science students and YOU have been pondering on your own. Ayaw niyo i-share e baka pagtawanan kayo ng mga blockmates/classmates niyo. Go ahead and laugh...ready?Bakit ang mga estudyante hindi puwedeng mag-text sa klase? Pero bakit ang prof kahit sa kalagitnaan ng discussion eh puwedeng tumanggap ng incoming call?
Bakit ang staff ng McDonald's kuripot magbigay ng ketchup?
Bakit ang pagkain mas masarap kapag may ka-share o kaya naman ay yung classmate mo ung bumili at nakikihingi ka lang?
Bakit ang comfort rooms dito sa 3rd floor palaging nililinis sa mga oras na ihing-ihi ka na?
Bakit si Kris Aquino madaldal?
Bakit yung seatmate mo na nangopya sa iyo nung prelims eh mas marami pang tamang sagot kaysa sa iyo?
Bakit si Winnie the Pooh walang underpants?
Bakit ang mga seniors nagpapalitan pa ng grad pic eh lahat naman sila ay may picture sa yearbook?
Bakit karamihan sa mga gwapo, bading?
Bakit kapag bumibili ka, ang tawag mo sa nagtitinda ay "ate" o "kuya", pero pag jeepney driver tawag mo "manong?"
Bakit ang estudyante puwedeng ma-FA (failure due to absences) pero ang prof hindi?
Bakit ka nagpapa-photocopy kung hindi mo naman binabasa yung pina-xerox mo? Pinayayaman mo lang si ate sa xeroxan eh.
Bakit ang mga babae pinipilit mag-stiletto kahit na mapuno ng band aid ang kanilang mga paa?
Bakit si Mickey Mouse at Donald Duck magkasing-laki lang? Nakakita ka na ba ng magkasing-laking daga at bibe?
Bakit kapag nag-subscribe ka sa free ringtone, nababawasan pa rin load mo?
Bakit maraming hindi may alam ng ibig sabihin ng Ped Xing?
These are all taken from the UST-CSJ Momentong magazine. Momentong is a magazine of everything happening in the College of Science--spoof style. Includes your professors' favorite lines and expressions. Science students need some laughter time too. =D